|
||||
1. Sa isang madilim na gubat na mapanglaw, Dawag na matinik ay walang pagitan, Halos naghihirap ang kay Pebong silang, Dumalaw sa loob na lubhang masukal. 2. Malalaking kahoy ang inihahandog, Pawang dalamhati, kahapisa�t lungkot, Huni pa ng ibon ay nakalulunos, Sa lalong matimpi�t nagsasayang loob. 3. Tanang mga baging na namimilipit Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik, May bulo ang bunga�t nagbibigay sakit Sa kangino pa mang sumagi�t malapit. 4. Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, pinakamaputing nag-ungos sa dahon, pawing kulay-luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. 5. Karamiha�y sipres at higerang kutad Na ang lilim niyon ay nakasisindak, Ito�y walang bunga�t daho�y malalapad Na nakadidilim sa loob ng gubat. 6. Ang mga hayop pang dito�y gumagala, Karamiha�y syerpe�t basilisko�y madla Hyena�t tigreng ganid na nagsisila Ng Abernong Reyno ni Plutong masungit, 7. Ito�y gubat manding sa pinto�y malapit Abernong Reyno ni Plutong masungit, Ang nasasakupang lupa�y dinidilig Ng ilog Kositong kamandag ang tubig. 8. Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat May punong higerang daho�y kulay pupas; Dito nakagapos ang kahabag-habag, Isang pinag-usig ng masamang palad. 9. Baguntaong basal ang anyo at tindig, Kahit nakatali kamay paa�t liig, Kundi si Narciso�s tunay na Adonis, Mukha�y sumisilang sa gitna ng sakit 10. Makinis ang balat at anaki�y burok, Pilik-mata�t kilay mistulang balantok, Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, Sangkap ng katawa�y pawing magkaayos. 11. Dangan doo�y walang oreadas ninfas, Gubat na palasyo ng masidhing harpyas Nangaawa disi�t naakay lumiyag Sa himalang tipon ng karikta�t hirap. 12 Ang abang uyamin ng dalita�t sakit, Ang dalawang mata�y bukal ang kaparis; Sa luhang nanatak at tinatangis-tangis Ganito�y damdamin ng may awang dibdib. 13. �Mahiganting langit, bangis mo�y nasaan, Ngayo�y naniniig sa pagkagulay-gulay, Bago�y ang bandila ng lalong kasama-an, Sa Reynong Albanya�y iwinawagayway. 14. �Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Kaliluha�y siyang nangyayaring hari, Kagalinga�t bait ay nalulugami, Ininis sa hukay ng dusa�t pighati. 15. �Ang magandang asal ay pinupukol Sa laot ng dagat ng kutya�t linggatong, Baling magagaling ay ibinabaon At inililibing na walang kabaong. 16. Nguni, ay ang lilo�t masasamang loob, Sa trono ng puri ay iniluluklok, At sa baling sukab na may asal-hayop, Mabangong insenso ang isinusuob. 17. �Kaliluha�t sama ang ulo�y nagtayo At ang kabaita�y kimi�t nakayuko Santong katwira�y lugami at hapo, Ang luha na lamang ang pinatutulo. 18. �At ang balang bibig na binubukalan Ng sabing magaling at katotohanan, Agad binibiyak at sinisikangan Ng kalis ng lalong dustang kamatayan. Sa isang madawag na gubat malapit sa kahariang alberno, matatagpuan ang isang mala-adonis na lalaki na nakatali sa malaking puno. Ang lalaki ay ang mandirigmang si Florante ng kahariang Albanya. Makinis ang balat na halos hindi nadapuan ng langaw ngunit ngayo�y hindi lamang ang katawan ang sugatan kundi pati na rin ang nagdurusang kalooban. Madilim at masukal ang kapaligiran at halos hindi nasisikatan ng araw bunga ng malalagong dahon na matitinik na punong kahoy. Ang huni ng ibon ay kalunos-lunos at higit na nagpapanglaw ng buong paligid. Maraming gumagalang hayop sa gubat tulad ng h�yena�t tigre at maging mga syerpe�t basilisko. Subalit hindi lamang ang nagbabantang kamatayan ang labis na ipinagdaramdam ni Florante kundi ang kinahahantungan ng baying Albanya na kanyang pinaglingkuran at maging ang kasintahang si Laura. Milinlang sya ng mga pagtataksil at pagbabalatkayo. |